Aarangkada sa Alaminos City ang Public Utility Vehicles (PUV) Service Contracting Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang Transport Service Entities (TSEs) sa Region 1.
Nilagdaan ng lokal na Pamahalaan, LTFRB Region 1 at ibat ibang kinatawan ng transport cooperatives at korporasyon ang Service Contracting Agreement.
Ang PUV Service Contracting Program ay naglalayong bigyan ng insentibo ang mga TSEs sa tuwing matatapos nila ang kanilang itinakdang ruta, alinsunod sa kanilang Service Plan. Ang pondong gagamitin sa programang ay mula sa General Appropriations Act 2024 ng Republic Act No. 11975.
Ayon sa inilabas na Implementation of Service Plans, nakatakdang umarangkada ang unang bahagi ng programa sa Pebrero 16 at Marso 2, 2025.
Mayroon itong itinakdang maximum kilometer-run kada araw at tatagal nang hindi bababa sa tatlong araw, depende sa dami ng mga TSE na makikilahok.
Ang paglulunsad ng programang ito ay isang hakbang tungo sa mas episyente at de-kalidad na pampublikong transportasyon para sa mga mamamayan ng lungsod at mga karatig-bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨