PUVs at mga TNVs, pinalalagyan ng ng dashboard cameras, CCTVs at GPS

Isinusulong ni Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera, ang panukala na nagbibigay mandato sa lahat ng pampublikong transportasyon na maglagay ng dashboard camera, closed circuit television (CCTV), at global positioning system (GPS) sa kanilang mga sasakyan.

Sa House Bill 3341 na inihain ng lady solon, inoobliga ang mga public utility vehicles (PUVs) at Transportation Network Vehicle Service (TNVS) tulad ng GRAB na maglagay ng dashboard cameras, CCTV at GPS bilang pagtugon sa standard safety equipment para mapangalagaan ang riding public.

Tinukoy ni Herrera, ang maraming insidente at krimen na kinasangkutan ng mga pampublikong sasakyan tulad ng pagnanakaw, kidnapping, rape, sexual assault, harassment at murder.


Naniniwala ang kongresista na sa paglalagay ng mga safety equipment ay magagarantiya ang kaligtasan ng mga mananakay gayundin ang mga pedestrian at motorista.

Malaking tulong ang mga instrumentong ito para mai-dokumento at mai-record ang mga insidente na kinasangkutan sa kalsada gayundin sa loob ng sasakyan.

Nakasaad din sa panukala ang pagkakaroon ng special loaning program kung saan maaaring pautangin ang mga public transport operators at companies para makabili ng mga nabanggit na safety devices.

Facebook Comments