Pinaglalagay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Radio Frequency Identification (RFID) ang lahat ng Public Utility Vehicles (PUVs) na dumadaan sa mga expressway.
Nilalaman ito ng inilabas na Memorandum Circular ng ahensiya alinsunod sa programa ng Toll Regulatory Board (TRB) na epektibo noong May 15, 2020.
Layon ng LTFRB na magkaroon ng karagdagang safety measures para masunod ang tamang social distancing guidelines na ipinatutupad sa mga PUV sa pamamagitan ng cashless transactions.
Nag-alok din ang TRB ng libreng installation ng RFIDs sa mga sasakyang gumagamit ng expressways.
Ito’y para malimitahan ang direct-hand contact sa toll payments.
Sa PUVs na hindi pa pinapayagan na makabiyahe sa mga area na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at General Community Quarantine (GCQ), kailangangan pa rin nilang sumunod sa direktiba ng LTFRB bago manumbalik ang kanilang operasyon.