PUWEDE | Mga kandidato sa SK at Brgy. election na nagmomotorcade hindi bawal – ayon sa COMELEC

Manila, Philippines – Nilinaw ni COMELEC Spokesman James Jimenez na walang paglabag sa mga kandidatong nagmomotorcade dahil Legal naman ang mga motorcade na ginagawa ng mga kakandidato sa Brgy at SK election.

Sa ginanap na presscon muling pinaalalahanan ni Jimenez ang mga kandidato sa SK at Brgy election na lahat ng printed propaganda materials ay dapat printed sa common poster areas sa kanilang tinatakbuhang Barangay gaya ng Fencing ng Public Park o sa mataong lugar at ang Size ng posters na pinakamalaki ay dapat ay 2×3 feet at bawal ang pag hihiwalay ng 2×3 feet ng pangalan ng mga kandidato at ang sinumang lumabag dito ay kinukunsidera na isang election offense.

Dagdag pa ni Jimenez na sa probinsya may mga pulitikong bumibili ng airtime sa radyo kung saan nilinaw nito na dapat 5 piso lamang bawat botante ang dapat na gastos ng bawat mga kandidato.


Sa usapin naman ng Citizens arrest hindi pabor dito ang COMELEC sa mga may paglabag sa campaign rules dahil naniniwala si Jimenez na mas akma ang citizen reporting kung saan kinakailangan kunan ng video at idokumento ang mga nakikita nilang mayroong mga paglabag.

Facebook Comments