Manila, Philippines – Seryoso ang banta ngayon ng terorismo sa Iligan City.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng Philippine National Police at Local Government Unit na may nakapasok na ilang miyembro ng Maute Group sa siyudad.
Ayon kay Iligan City Vice Mayor Jemar Vera Cruz – humalo sa halos 30-libong evacuees mula Marawi ang ilang Maute members nang pumasok ang mga ito sa Iligan.
Kaugnay nito, nagdagdag na aniya ng puwersa ang PNP habang mas hinigpitan rin ang seguridad sa kanilang mga checkpoint.
Tiniyak naman ni Iligan City Police Chief Sr/Supt. Leony Roy Geroche Ga na hindi nila ipagsasawalang bahala ang ulat lalo’t hindi simpleng impormasyon lang ang natatanggap nila ngayon.
Kaya panawagan nito sa publiko, agad na magsumbong kung may mapansin na kahina-hinalang tao.
Samantala, nakipagpulong na rin ang PNP sa National Imams League para alertuhin ang mga ito laban sa mga terorista.
DZXL558