Puwesto ng mga vendor sa Manila North Cemetery, pinaggigiba

Walang nagawa ang mga vendor ng mga bulaklak at kandila sa labas o entrada ng Manila North Cemetery matapos gibain ng mga tauhan ng Hawkers ang kanilang mga puwesto.

Ayon sa mga tindera matagal na silang naka-puwesto sa nasabing lugar at sa katunayan, nagbabayad din sila ng bente pesos sa umaga gayundin sa gabi.

Nagtataka rin sila kung bakit ang kanilang puwesto gayung hindi naman sila sagabal sa mga nagtutungo sa naturang sementeryo.


Nilinaw naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila na pinapayagan naman silang magtinda sa labas basta’t hindi sila nakasagabal sa kalsada.

Paliwanag naman ni MNC Administrator Rachele Castaneda, may mga report sa kanya na magulo ang mga vendors sa lugar kaya inaksyunan ito ng Hawkers.

Giit ni Castaneda, hindi naman nila pinapaalis ang mga vendors kundi nais lamang nilang ilagay sa ayos kung saan igigilid lamang nila ito para sa mas maayos pagtitinda.

Facebook Comments