Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ang report inilabas ng Commission on Audit kaugnay sa 1,735 military pensioners na ideneklara ng patay noong 2016 ang patuloy umanong nakakatanggap ng pensyon.
Batay sa annual audit ng COA, lumalabas na mahigit P33 milyon ang kabuuang halaga nito na nakadeposit sa account mga namatay ng pensioners.
Pero sa interview ng RMN kay PVAO Chief of Finance Division Ferdinand Palor – nilinaw nitong kahit nakadeposito ito sa kanilang account ay hindi naman ito makukuha ng kaanak.
Paliwanag nito – may mga pangalan talaga na hindi nabubura sa pensioner masters list dahil hindi naman ito ina-update ng mga kamag-anak ng namatay na pensioners.
Sa ngayon ayon kay Palor – bumuo na sila ng team na tututok sa para maupdate ang kanilang masters list.
Samantala – tiniyak ng PVAO na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines para sa pagsasaayos at pagbibigay ng pensyon at iba pang benipisyo ng mga sundalao na nasawi sa Marawi City.
* DZXL558*