CAUAYAN CITY- Matamis na tagumpay ang nilalasap ngayon ng isang guro sa umaga at street vendor naman sa gabi mula sa Probinsya ng Nueva Vizcaya.
Ito’y matapos na matapos ni Angelues Garcia Ambros ang kaniyang pag-aaral at makuha ang Masters nito sa larangan ng Edukasyon.
Siya ay isang PWD ngunit hindi ito naging hadlang upang gampanan niya ang kaniyang tungkulin na makapagbigay ng kaalaman sa mga kabataan.
Tuwing araw ay pumapasok ito bilang isang guro at pagsapit naman ng hapon ay naghahanda ito ng balot at penoy upang ilako hanggang gabi.
Marami man ang nang-uusig dito ay hindi natinag ang determinasyon ni Teacher Ambros dahil naniniwala ito at kumakapit ito sa kanyang pangarap.
Makalipas ang ilang taon, ngayon ay tagumpay na niyang naisuot ang kanyang itim na toga at hawak hawak ang diploma na nakasulat ang kanyang pangalan tanda ng pagkamit nito sa titolong Master’s in Education.