Binuksan ang PWD Desk sa Dagupan City upang magsilbing gabay sa pagkuha at pag-renew ng Person with Disability (PWD) identification card at booklet.
Layunin ng inisyatiba na mabawasan ang aberya at katagalan sa proseso, partikular sa usapin ng kakulangan ng dokumento at hindi malinaw na mga requirement para sa aplikasyon at renewal.
Bukod sa pagtatatag ng PWD Desk, nagtalaga rin ng mga nurse at psychometrician na magsasagawa ng pagsusuri at monitoring sa kalagayan ng mga aplikante bilang bahagi ng mas maayos na sistema ng pagproseso.
Iginiit ng pamahalaang lungsod ang kahalagahan ng kumpletong pagpapasa ng mga kinakailangang dokumento upang maiwasan ang pagkaantala sa paglalabas ng ID at booklet.
Nakiisa sa aktibidad ang Persons with Disability Affairs Office, mga kawani ng Barangay Pantal, at mga PWD president mula sa 31 barangay ng lungsod.







