PWD MULA PANGASINAN, WAGI NG BRONZE MEDAL SA TABLE TENNIS SA INDONESIA

Ipinagmamalaki ngayon ng bayan ng Binalonan, Pangasinan ang kanilang kababayan na si Edwin Advincula dahil sa naiuwi nitong Bronze Medal sa katatapos lamang na 2nd SouthEast Asian Deaf Games sa Jakarta, Indonesia nitong August 20 to 26, 2025.

Si Edwin ay may kapansanan sa pandinig at kabilang nga sa Philippine Deaf Table Tennis Team na lumaban sa Indonesia.

Hindi naman ito naging hadlang sa kaniya upang magpursige sa larangang ito at patuloy na pag-igihan, makasungkit lamang ng medalya, kaya naiuwi niya ang Bronze Medal sa Men’s Division sa Table Tennis.

Kabilang si Edwin sa dalawamput dalawang Deaf Athletes na ipinadala sa Indonesia para makipagtagisan ng galing sa larong bowling, badminton, at table tennis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments