PWD, PATAY MATAPOS MAKURYENTE SA ALICIA

CAUAYAN CITY- Hindi nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang PWD matapos itong makuryente sa Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Mike Gandela, 27-anyos, walang asawa, at residente ng nabanggit na lugar.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Team sa nakasaksi ng pangyayari na si alyas “Rowena”, pinara nila ang paparating na biktima lulan ang kanyang bisikleta dahil may napigtas na wire sa daan ngunit bigo itong makahinto dahil napag-alamang walang preno ang kanyang bisikleta.


Aniya, mahigit isang oras ang inabot bago dumating ang tauhan ng ISELCO-1 sa lugar.

Ayon naman kay Ginoong Mario Custodio, matagal na nilang inirereklamo ang nasabing wire sa pamunuan ng ISELCO-1 ngunit hindi umano ito kaagad na inaksyunan.

Ikinalungkot naman ng mga ito ang pagkasawi ng biktima at umaasa silang hindi na mauulit pa ang nangyaring trahedya sa kanilang lugar.

Samantala, naikabit na ng ISELCO-1 ang napigtas na wire at nagsagawa na rin ang mga ito ng clearing operation.

Facebook Comments