Dismayado ang ilang mga Person with Disability (PWD) na kukuha sana ng Social Amelioration Program (SAP) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil pinaalis sila na walang bitbit na stub para lamang makakuha ng ayuda mula sa gobyerno.
Magdamag na pumila hanggang inabutan na ng tindi ng init ng panahon pero ikinadismaya ng ilang mga PWD dahil pinaalis sila sa pila matapos na malamang walang dalang stub.
Iniobliga na kasi ang mga benipisaryo ng SAP na kumuha ng stub para patunay na sila nga ay dumaan sa screening at karapat-dapat na mabigyan ng ayuda mula sa DSWD.
Ayon kay Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula, kinakailangan mayroong dala-dalang stub ang lahat ng mga pumipila sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal kung saan mayroong pang isang PWD na pinaalis sa pila dahil wala itong dalang stub na nagpapatunay na dumaan sa screening at karapat-dapat na mabigyan ng ayuda.
Paliwanag ng alkalde, tuluy-tuloy naman ang pamamahagi ng SAP sa kanyang nasasakupan baghang bumagal lamang dahil sa kinakailangan munang masuri ng husto ang lahat kung ang mga pumipila ay dumaan sa screening at karapat dapat na mabigyan ng ayuda mula sa pamahalaan.