Makakatanggap ng tig-isang libong piso at food pack ang mahigit 13,000 na mga Persons With Disability o PWD ng Makati City.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ang ayuda sa PWDs ang pinakabagong programang ipinapatupad ng City Government upang maibsan ang kalagayan ng mga taga Makati sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.
Tulad ng mga na unang mga ayuda ng nasabing lokal na pamahalaan, dadalhin sa kanilang mga bahay ang nasabing tulong para sa mga PWD.
Nauna rito, sinimulan ng Makati ang door-to-door delivery ng mga gamot para sa lahat ng residente para maiwasan ang paglabas ng bahay.
Nagbibigay din ang pamahalaang lokal ng Lungsod ng Makati ng tulong pinansyal sa mga driver ng tricycle, jeep at pedicab at solo parents, at food packs naman para sa mga estudyante.