PWDs sa Pasig, aktibong lumahok sa botohan ngayong araw

Maraming persons with disability (PWDs) at senior citizens ang aktibong lumahok sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Pinagbuhatan Elementary School sa Pasig City.

Ang PWDs at nakaTatanda na kaya pa namang umakyat sa mas mataas na palapag ng paaralan ay pinahihintulutan naman na umakyat para makaboto.

Gayunman, ang mga naka-wheelchair at may malalang kapansanan ay dito na lamang sa covered court.


Sa pagpasok pa lamang ng paaralan ay may mga naka-abang nang volunteers mula sa Pasig PWD Association Incorporated.

Mayroon ding help desk ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na binubuo ng mga kabataang volunteers.

Facebook Comments