PWEDE NA! | Height requirements para sa mga gustong maging pulis, inalis na ng NAPOLCOM

Manila, Philippines – Tinanggal na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang height requirements para sa mga nagnanais na maging pulis.

Magiging epektibo ito simula sa Abril 22.

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao, tanging requirements na lamang ang hahanapin ay nakapagtapos ng bachelor’s degree ang aplikante at hindi lalagpas ang edad sa 30.


Hinihikayat ng NAPOLCOM ang mga aplikante na nais na maging pulis na kumuha ng promotional examination at magpa-schedule online sa website: www.napolcom.gov.ph.

Facebook Comments