PWEDE NA | Same Sex Marriage, legal na sa Costa Rica

“Nanaig ang pagmamahalan”.

Ito ang salitang namamayagpag ngayon sa Costa Rica dahil maaari nang magpakasal sa taong 2020 ang mga same sex couple.

Kasunod na rin ito ng pagsasalegal ng Nation’s Constitutional Court sa same sex unions.


Mayorya ng mga hukom ang pumabor dito kung saan pinagbasehan ang opinyon ng inter-american court of human rights.

Una nang naisa-legal ang same-sex marriage sa Argentina, Brazil, Colombia, Uruguay at ilang parte ng Mexico.

Facebook Comments