Pwede ng ma-access ang online rapid pass para sa mga frontliners at priority vehicles

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), pwedeng gamitin ng mga otorisadong frontliners at iba pang essential workers ang kanilang Q.R codes sa mga checkpoints para mabawasan ang contact.

Daan na rin anila ito para mapabilis ang daloy ng paglilingkod sa mamamayan laban sa banta ng COVID-19.

Para sa bulk registration ng rapid pass, kailangan lang makipag-ugnayan ng mga otorisadong frontliners sa kina-ukulang ahensya ng Gobyerno para makakuha ng Q.R. codes.


Samantala; ikinabahala ng World Health Organization (WHO) ang patuloy na pagtaas ng kaso ng health workers sa pilipinas na namamatay dahil sa COVID-19.

Ayon sa Dr. Ab-di Mahamud, COVID-19 Incident Manager for Western Pacific, mas mataas ang porsiyento ng mga namatay na health workers sa Pilipinas kaysa sa Western Pacific Region.

Maituturing din aniya itong out-liner dahil mataas ng 13 percent ang porsyento ng pagkamatay kaysa sa regional average na 2 to 3 percent.

Facebook Comments