Manila, Philippines – Maaari pa ring litisin Ng military court si Senator Antonio Trillanes IV kahit na matapos ang kanyang termino o maging sibilyan sa 2019.
Paglilinaw ni dating Commodore Rex Robles sa ginanap na forum sa Samahang Plaridel Kapihan sa Manila Hotel, ito ay kung nakagawa si Trillanes ng pagkakasala na naglagay sa panganib sa National Security.
Paliwanag ni Robles na maaari lamang ma-estoppel ang Military Court sa isyu ni Trillanes kung nakapag-apply ng Amnesty sa tamang paraan.
Hindi rin aniya maaaring galawin si Trillanes ng pamahalaan kung siya ay nakapagsumite ng kopya ng application for Amnesty ngunit wala aniyang maipakita ang Senador.
Sakaling mayroon mang narrative, illegal pa rin ang Amnesty na binigay Kay Trillanes dahil kulang pa siya sa time requirement na itinatakda sa batas na nagkakaloob ng Amnesty.
Si Robles ay dating Commodore ng Philippine Navy at miyembro ng Commisson na naatasang mag-imbestiga laban sa mga sundalong nag-aklas sa Oakwood Hotel at Manila Pen na pinamumunuan ni noon ay LTSG Antonio Trillanes IV at iba pang Junior officers ng AFP.