PWEDENG MAGSUMBONG | Implementasyon ng Sumbong Bulok, Sumbong Usok inanunsiyo ng Malacanang

Manila, Philippines – Maaari nang makipagtulungan ang publiko sa implementasyon ng Tanggal Bulok, Tanggal Usok na ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority, Department of Transportation, Philippine National Philippine National Police at iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Matatandaan na layon ng nasabing programa ay matanggal sa kalsada ang mga pampublikong sasakyan na kakaragkarag at mausok na nakasisira sa kalikasan at ipinatutupad muna ito sa Mega Manila at nakatakdang ipatupad din sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, binuksan na ng pamahalaan ang Sumbong Bulok Sumbong Usok program kung saan maaaring isumbong sa gagawing Facebook page ang mga bulok o mausok na pampublikong sasakyan.


Paliwanag ni Roque, magagamit ang Facebook Messenger ng mamamayan para ipadala ang mga litrato at video ng mga bulok, colorum at iba pang violations ng mga jeep, bus at iba pa.

Sa pamamagitan aniya nito ay mas mabilis na mahuhuli ang mga lumalabag sa batas at panuntunan.

Tiniyak din naman ni Roque na dadaan sa masusing imbestigasyon ang mga sumbong na matatanggap ng pamahalaan.

Facebook Comments