Pwersa ng 5th ID Philippine Army, Magbibigay ng sahod laban sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Tutulong na rin ang pamunuan ng 5th Infantry Star Division Philippine Army sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga sahod para sa mga pamilyang apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th ID, ito ay bahagi ng kanilang mandato na tulungan ang mga patuloy na naaapektuhan ng nasabing sitwasyon dahil sa corona virus (covid-19).

Dagdag pa ng opisyal na ito ay magsisimulang ikaltas sa kanilang sahod ngayong buwan ng Abril dahil batid nila na kailangan ng karagdagang tulong para sa mga pamilya naapektuhan.


Nakatakda rin silang makipag-ugnayan sa tanggapan ng DSWD upang malaman kung sinu-sino ang mga dapat makatanggap ng ayuda.

Samantala, patuloy aniya ang kanilang pagtulong sa pagrerepack ng mga relief goods at paghahatid sa mga ito sa mga lugar na hirap ang transportasyon.

Ipinagmalaki din ni Tayaban na tumulong na rin na nag-ani ng mga pananim na gulay ang mga kasundaluhan ng 54th ID upang dagdag tulong sa mga pamilya sa Tinoc, Ifugao.

Sa kabila nito, patuloy ang kanilang kampanya sa publiko na paigtingin ang kanilang pag-iwas sa pakikisalamuha sa matataong lugar o social distancing.

Katunayan, sabayang ginagawa ang pagwang-wang ng kanilang binansangang ‘LOUDSPEAKER OPERATION’.

Tumulong na rin aniya sila sa iba pang mga frontliners at stranded upang makapagbigay ng transportation assistance sa mga ito.

Facebook Comments