1Umapela si Senator Grace Poe sa gobyerno at sa ating mga pwersa na huwag matakot at umatras sa pagprotekta sa ating mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Poe, ang panibagong water cannoning ng China Coast Guard sa ating mga tropa habang nasa gitna ng humanitarian at resupply mission ay isang intentional o sinadya na pag-atake at ito ay malinaw na paglabag sa international law.
Giit ni Poe, hindi dapat matakot ang bansa sa ganitong pambu-bully ng China at hindi tayo dapat umurong sa mahigpit na pagbabantay at pagbibigay proteksyon sa ating mga sakop na karagatan.
Sinabi ng senadora na mayroong mga nakasuportang “like-minded” na kaalyado ang Pilipinas habang patuloy tayong naninindigan sa ating lawful maritime rights.
Aniya pa, ang maiging pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga bansang kaisa natin ay dapat na ipursige tungo sa nagkakaisang pagpigil sa patuloy na pagatake ng China.