Pwersa ng coastguard na tutulong sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal, tumulak na

231

 

Tumulak na patungong Batangas ang tropa ng Philippine Coast Guard na maghahatid ng tulong sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.

 

Tutulong ang naturang tropa sa nagpapatuloy na disaster response operations sa mga apektadong pamilya sa Batangas.


 

Inaasahang darating sa Batangas port ang BRP tubbataha mamayang gabi.

 

Bukod sa karagadang personnel para sa rescue operation, dala rin ng BRP tubbataha ang donasyon ng China Coast Guard na N95 face masks, mga bigas, mantika, asukal at food packs.

Facebook Comments