Kumpiyansa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na unti-unti nang humihina ang pwersa ng CPP-NPA-NDF.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, tunaw na ang mga baseng masa na pinagtataguan ng mga rebelde.
Ani Aguilar, salat o wala na rin silang suportang pagkain at pagod na sa walang humpay na pagtugis sa kanila ng mga awtoridad kasama ang taumbayan.
Panawagan pa ni Aguilar sa mga rebelde, huwag nang ipilit ang rebolusyon na siyang nagdulot ng malaking pinsala sa ating bayan.
Sa halip, mas nararapat na lamang na sabay-sabay nating harapin ang mga suliraning panlipunan at magtulungan.
Base sa datos ng AFP, bumaba ng 74 percent ang bilang ng guerilla fronts sa bansa.
Mula sa 89 guerilla fronts noong 2016 ay bumaba na ito sa 23 ngayong 2022.