Patuloy na humihina ang pwersa ng Islamic State-inspired Maute group.
Ayon kay 103rd Infantry “Haribon” Brigade Commander, Col. Romeo Brawner Jr. – nasa 25 na lamang ang miyembro ng local terrorist group.
Ani Brawner – wala na silang kakayahang maglunsad pa ng pag-atake tulad ng ginawa nila noon sa Marawi City
Pero hindi magpapakampante ang militar lalo na at maaari pa rin magkasa ang mga ito ng “limited attacks” sa mga soft target.
Dagdag pa ni Brawner na itinigil ng international financiers ang pag-suporta sa Maute group.
Ang paglusob ng Maute sa Marawi noong May 23, 2017 ay nag-udyok kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang martial law sa Mindanao na magtatagal hanggang sa katapusan ng 2019.
Facebook Comments