Pwersa ng Maute sa Marawi, kaunti nalang ayon sa AFP

Marawi City – Naniniwala si Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na humihina na ang puwersa ng Maute Group sa Marawi City.

Sa Mindanao Hour saa Malacañang kanina ay sinabi ni Padilla na may mga lugar sa lungsod na hindi na sumasagot ng putok ang Maute pero mayroon din naman aniyang mga lugar na matindi pa ang bakbakan..

Ito naman ay sa harap ng naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na noong una ay minaliit lamang nila ang puwersa ng Maute.


Sinabi ni Padilla, posibleng mayroon pang natitirang armas ang maute kaya ito ngayon ang titututukan ng operasyon ng militar.

Matatandaan na tumutulong din sa technical at information gathering ang Estados Unidos ng Amerika at maging ang Australian forces.

Facebook Comments