Pwersa ng PCG, titriplehin pa sa loob ng limang taon

Titriplehin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang pwersa at fleet sa loob ng susunod na limang taon.

Sa ika-124 na anibersaryo ng PCG, sinabi ni Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na determinado silang maging isa sa pinakamakapangyarihang coast guard sa rehiyon.

Ayon kay Gavan, inspirasyon ng PCG ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kapag masungit ang karagatan, ang bayan ay tumitingin sa mga hindi natitinag.

Binigyang-diin din ng opisyal na patuloy silang maglalayag tungo sa isang kinabukasang mapayapa, matatag, at malaya kasama ang mga coast guard na may malasakit, may kakayahan pero may puso, at kalmado pero hindi nagpapatinag.

Facebook Comments