Pwersa ng PNP at AFP sa Lambak ng Cagayan, Paiigtingin!

Camp Marcelo A. A dduru, Tuguegarao City- Magpapakalat na ang Police Regional Office 2 ng karagdagang kapulisan at kasundaluhan sa ibat-ibang bahagi ng lambak ng Cagayan para sa ligtas at mas maayos na halalan ngayong Barangay at SK Eleksyon.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, pinadagdagan umano ni PRO2 Regional Director Police Chief Superintendent Jose Mario M. Espino ng anim na raang PNP Personnel ang pwersa ng kapulisan lalo na sa mga lugar na may maraming naitalang insidente na may kaugnayan sa eleksyon.

Base umano sa naitalang record ng Regional Intelligence Division ay mayroon umanong tatlumpu’t pitong barangay sa rehiyon dos ang kabilang sa Election Watch List na kailangan ng maigting na pagbabantay.


Samantala, handa na umanong tumulong at magsilbi ang mga alagad ng batas maging ang COMELEC para sa seguridad ng taumbayan sa gaganaping Barangay at SK Eleksyon ngayong May 14, 2018.

Facebook Comments