Pwersa ng PNP, handa na sa inaasahang rally sa anibersaryo ng deklarasyon ng martial law sa September 21

Manila, Philippines – Handa na ang hanay ng Pambansang Pulisya sa mga kilos protesta na inaasahang gagawin sa September 21, anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos ang Manila Police District (MPD) ang pangunahing unit ng PNP ang manunguna sa pagbibigay sa seguridad.

Sa katunayan, inactivate na nila ang Task Force Manila shield.


Sa Luneta, inaasahan ang may malaking pagtitipon hindi lang ng mga kontra sa Martial Law kundi mga kritiko din ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Carlos, na may plano na ring nakalatag dito ang NCRPO at ang Directorate for Operation.

Nasa desisyon na ng NCRPO kung mangangailangan ito ng Augmentation Force mula sa ibang rehiyon.

Paiiralin pa rin daw ng mga pulis ang maximum tolerance.

Facebook Comments