Pwersahang Paglikas, Iniutos sa 3 Bayan sa Cagayan!

*Cauayan City, Isabela- *Sa lalawigan ng Cagayan matapos magkaroon ng flashflood dahil sa tuloy tuloy na buhos ng ulan dulot ng bagyong Ramon.

Ayon kay Ginoong Rogie Sending, tagapagsalita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, ipinag-utos umano ni Governor Manuel Mamba ang naturang paglikas dahil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa mga bayan ng Sta Teresita,Gonzaga, at Sta Ana sa naturang lalawigan.

Inaasahan na lolobo pa ang bilang ng mga evacuees sa naturang lalawigan kung saan ay mayroon ng halos anim na libong residente ang pansamantalang nakasilong sa isang daan at labin dalawang mga evacuation centers na inihanda ng mga otoridad para sa labing siyam na bayan na apektado ng pagbaha.


Maswerte umanong wala pang naitatala na mga casualties dahil kay bagyong Ramon sa lugar at mahigpit na rin na ipinapatupad ang Liquor Ban sa Lalawigan.

Sinuspendi na rin ni Gov. Mamba ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa buong probinsya ng Cagayan.

Facebook Comments