Pwersahang pagtataas sa sahod ng mga manggagawa, makakapinsala sa ekonomiya

Kontra ang National Economic and Development Authority o NEDA sa pagsasabatas ng mga panukala na magtataas sa sahod ng mga manggagawa.

Diin ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, “very harmful” o lubhang makakapinsala sa ekonomiya kahit sa labor sector ang pwersahang pagtataas ng “minimum wages” ng mga manggagawa sa pamamagitan ng lehislasyon.

Pahayag ito ni Balisacan sa pagdinig ng House Committee on Appropriations ukol sa inflation o patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo kung saan humarap ang mga economic managers.


Ayon kay Balisacan, ang pinaka-ligtas na paraan para makapagtaas ng sahod ay ang pagpapalawalak ng “economic activities,” kung saan kailangan ng mas maraming pamumuhunan.

Bunsod nito ay iginiit ni Balisacan sa mga mambabatas na iprayoridad ang pagpasa sa mga panukala na makakatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya at tutugon sa mataas na inflation.

Facebook Comments