Pwesto ng mga murang isda, bubuksan sa Quezon City

Magandang balita dahil makakabili na rin ng murang isda ang mga residente sa Quezon City.

Ito ay matapos ilunsad ng Department of Agriculture (DA) at ng Philippine Fishery Development Authority (PFDA) ang isda on the go sa Quezon City City Hall.

Ayon kay PFDA General Manager Glen Pangapalan, layunin ng nasabing programa na makapagbigay ng stable ligtas at murang produktong isda.


Unang inilunsad ang isda on the sa Antipolo City Abril noong nakaraang taon.

Ayon sa PFDA, 180 hanggang 200 pesos ang kilo noon ng galunggong pero mabibili lamang ito 120 pesos sa pwesto ng isda on the go.

Bukod sa Antipolo, meron din anila nito sa Walter Mart, QC at sa susunod na buwan magkakaroon na rin sa Sorsogon.

Samantala, base sa kontrata na nakapagkasunduan sa QC continues o tuluy-tuloy ang operasyon ng ‘Isda on the go’ sa lungsod.

Facebook Comments