PWESTO NG MGA STALL OWNERS SA CHRISTMAS BAZAAR SA LINGAYEN CAPITOL BEACHFRONT, NAPURUHAN NG STORM SURGE

Hindi maipagkakaila sa mga naglipanang litrato at video online, ang matinding epekto ng daluyong o storm surge na dulot ng Bagyong Uwan sa bahagi ng baywalk sa Lingayen Capitol Beachfront na kinatatayuan ng mga stalls para sa Christmas Bazaar ngayong taon.

Sa pag-ronda ng IFM News Team bago at pagkatapos ng bagyo, makikita na mula sa mga natirang kagamitan sa mga binaklas na stalls, nalubog din ang mga ito sa buhangin kabilang ang pundasyon ng mga canopies na winasak din ng bagyo.

Wasak din ang ilang kagamitan at itinayong disenyo ng carnival sa naturang bahagi.

Huling operasyon ng bazaar noong November 7, matapos pansamantalang suspendihin ito ng Pamahalaang Panlalawigan noong November 8 hanggang November 9.

Sa kasalukuyan, puspusan ang clearing operation ng awtoridad sa naturang bahagi matapos dumating ang karagdagang sasakyan at equipment upang maibalik sa normal ang lugar at magpatuloy ang kalakalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments