Hinigpitang ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag ang pagpapatupad ng hangganan ng mga pwesto, partikular ang mga religious vendors, sa paligid ng Minor Basilica bilang paghahanda sa ika-100 koronasyon ng Our Lady of the Rosary of Manaoag o Apo Baket sa darating na Abril.
Nitong Miyerkules, Enero 1, pininturahan na ang gilid ng sidewalk sa bahagi ng Gate 5 upang magsilbing palatandaan sa mga vendor kung saan lamang sila maaaring pumwesto o ang itinakdang selling areas.
Ayon sa tanggapan, pansamantala lamang ang kasalukuyang selling area habang inaayos magiging permanenteng lokasyon ng mga religious vendor bilang bahagi ng development project ng Pamahalaang Panlalawigan, kasabay ng pagbubukas ng mga bagong kalsada at daan sa bayan.
Dagdag dito, inaasahan ang pagdami ng mga deboto at bibisita sa Manaoag habang papalapit ang pagsapit ng sentenaryong pagdiriwang ng koronasyon ng imahen dahilan ng pinaigting na regulasyon sa mga manlalako.










