Pwesto ng PPCRV, dinumog ng mga botanteng nawawala ang pangalan sa Baseco Compound sa Maynila

Dinumog ng mga botante ang pwesto ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Pres. Corazon Aquino High School at Sen. Benigno Aquino Jr. Elementary School sa Baseco Compound sa Maynila na sakop ng Brgy. 649.

Ito’y dahil nawawala ang kanilang pangalan sa master list bagama’t may mga hawak silang stub na nagpapatunay na sila ay rehistrado.

Ang iba ay nasa listahan ng mga botante pero pagsapit sa presinto ay wala ang kanilang pangalan.


Giit pa ng mga nagrereklamo, nakaboto naman sila noong nakaraang national elections pero biglang nawala sa listahan ang kanilang pangalan.

Sa ngayon, mahaba pa rin ang pila ng mga botante sa Sen. Benigno Aquino Jr. Elementary School habang lahat naman ng botante ay nakapasok na sa Pres. Corazon Aquino High School.

Facebook Comments