Pyramiding sa pondo ng Pilipinas, pinaiiral ng Marcos administration — VP Sara

Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte ang aniya’y mistulang pyramiding na nangyayari sa budget ng Pilipinas.

Tinukoy ni VP Sara ang pagkuha ng pondo para ipantapal sa ibang gastusin at muling pagkuha ng pondo sa ibang ahensya na nabutas matapos na kuhanan ng budget.

Ibinunyag din ni VP Sara na ang naturang mga pondo ay napupunta sa mga kandidato ng administrasyon na ginagamit nila bilang “ayuda”.


Iginiit din ni VP Sara na ang pahayag ng Pangulong Bongbong Marcos na hindi kailangan ang drug test bilang requirement sa pamumuno ng isang halal na opisyal ay maituturing na pagtataksil sa tiwala ng taongbayan.

Kaugnay nito, hinamon ng pangalawang pangulo si PBBM na patunayan sa publiko na nasa tamang pag-iisip siya para pamunuan ang bansa.

Facebook Comments