Pyromusical event ng SM Mall of Asia, ipinahihinto

Ipinatitigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pyromusical event ng SM Mall of Asia.

Una rito, ipinag-utos ng DENR ang pagpapahinto ng record-breaking na pagpapalipad ng higit 100,000 lobo ng Okada Manila dahil sa basurang idudulot nito.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda – ang mga tampok na fireworks display o pagpapaputok ay nakasisira sa kalikasan.


Dagdag pa ni Antiporda, bahagi ito ng rehabilitasyon ng Manila Bay dahil malaki ang posibilidad na sa dagat napupunta ang mga basura at pulbura ng mga fireworks.

Padadalhan ng sulat ng DENR ang mall para ihinto ang fireworks display na magaganap sa February 16.

Sa ngayon, nasa 100 establisyimentong nakapaligid sa Manila Bay ang iniimbestigahan kaugnay sa pagsunod ng paglalagay ng sewage treatment plant at pagtalima sa Clean Water Act.

Pag-aaralan din ang waste management ng mga barkong dumaraan sa Manila Bay.

Sa January 27 na magsisimula ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Facebook Comments