Manila, Philippines – Nilinaw ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) na maari pa ring gumamit ng mga pyrotechnics o ‘pailaw’.
Ito’y kasunod pa rin ng mahigpit na kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa paggamit ng paputok.
Ayon kay DILG OIC, Usec. Catalino Cuy – kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang ‘picolo’ o ‘scratch bangers’, super lolo, whistle bomb, goodbye earth, atomic big triangulo, judas belt at watusi.
Ang pailaw ay maaring isindi sa mga nakatalagang community areas o labas ng bahay.
Maaring gumamit ng sparklers, luces, fountain, jumbo regular and special, mabuhay, roman candle, tropillo, airwolf, whistle device at butterfly.
Nitong December 22, naitala ang unang kaso ng fireworks-related injury ngayong taon.
Facebook Comments