Q.C., ipinagmalaki ang dumaraming mamamayan na nagpapabakuna vs. COVID-19

Ipinagmalaki ng pamunuan ng Quezon City Government na parami pa nang parami ang bilang ng mga residenteng nababakunahan sa lungsod laban sa COVID-19.

Sa inilabas na datos ng QC Government, umabot na sa 646,043 ang bakunang naiturok sa mga residente.

Paliwanag ng Local Government Unit (LGU), 495,490 o katumbas ng 29.15 percent ng target na 1.7 million na residente ang nabigyan na ng unang dose ng bakuna habang 150,553 naman ang nakatanggap ng second dose.


Matatandaan na nito lamang nakalipas na araw nakapagbakuna pa ang LGU ng 37,234 indibidwal na pinakamataas na bilang na nagawa kumpara sa lahat ng LGUs sa buong bansa.

Facebook Comments