Qatari government, pinawi ang pangamba ng kanilang mga mamamayan kasunod ng pagputol ng diplomatic ties ng mga bansa sa Middle East

World – Pinayuhan ng Qatari government ang mga mamamayan sa bansa na huwag mag-panic buying.

Kasunod na rin ito ng umano’y pagsugod ng mga tao sa supermarkets at grocery stores dahil sa pangambang maapektuhan ng umiiral na diplomatic row ang supply ng pangunahing bilihin.

Sinabi ng Qatar cabinet na ang pagpapa-panic ay resulta ng maling balita na kumalat sa social media.


Tiniyak ng Qatari government ang ginagawa nila ang lahat para manatiling normal ang sitwasyon sa kabila nang pagputol ng diplomatic ties ng mga bansa sa gitnang silangan.

Maliban sa gulf states maraming iba pang bansa ang pinagkukunan nila ng supply.

Binigyang diin ng Qatar cabinet na ang pagtigil ng ilang flights ay hindi nangangahulugan ng 100 porsyentong pagtigil na rin ng operasyon sa paliparan dahil ang Iraq, Kuwait at Iran ay mayroong malaking kontrol sa North Asian Hampshire.
DZXL558

Facebook Comments