Dinagdagan pa ng Quezon City government ang bilang ng mga idi-dispatch na bus service ngayong araw.
Kasunod ito ng kautusan ni QC Mayor Joy Belmonte sa Local Traffic and Transport Management Department o TTMD para tiyakin na walang mai-stranded na mga pasahero sa dalawang araw na tigil-pasada ng grupong MANIBELA at PISTON na magsisimula ngayong araw.
Bukod sa regular na Unit para sa QC bus service ay mayroon pang mga sasakyan na nakahanda mula sa Quezon City Police District, Metropolitan Manila Development Authority, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at maging sa Armed Forces of the Philippines.
Ayon sa QC LGU, ang mga ito magsasakay nang libre sa QC para sa mga pasahero na maaaring mahirapang makasakay ngayong araw.
Inatasan din ni Belmonte ang 12-mga barangay na magtalaga ng kanilang sasakyan para sa libreng sakay.
Nagtalaga rin ng mga traffic enforcers mula TTMD na isa sa layunin ay magmonitor at magbigay ng sitwasyong sa kalsada dulot ng transport strike.
Dahil dito ay umapela ang QC government na itawag sa QC Helpline 122 sakaling may makita sa kalsada o makaranas ng kawalang sasakyan saan mang lugar sa lungsod para sa Lungsod para makapagpadala ng unit na magsasakay ng pasahero.