Magkatuwang na ang Quezon City government at UP Pandemic Response Team upang mas mapalakas pa ang pandemic response at resilience ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, nagpapasalamat sila sa UP Pandemic Response Team sa inalok na dagdag pwersa lalo’t sa gitna ng pandemya ay mahalaga ang kahit anong tulong na matatanggap.
Partikular na makakasama ng UP-PRT ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) at Unexus Medical Solutions Inc. na mag sasagawa ng Testing and Contact Tracing.
Ang datos na kanilang makukuha ay magagamit upang makita pa nang mas malalim ang sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa QC at magreresulta naman sa tamang desisyon at hakbang na kanilang gagawin tulad nalang ng pagpapatupad ng granular lockdown.
Sinabi naman ni Dr. Rolly Cruz pinuno ng CESU, layon din nila na maging modelo ang lungsod ng Quezon sa pandemic response na maaring tularan ng iba pang syudad at munisipilidad sa bansa