Ipinagmalaki ng pamunuaan ng Quezon City Government na mayroon sapat na kagamitan at kapasidad para tumugon sa anumang kalamidad sakaling magkaroon ng gindi inaasahang malakas na lindol gaya ng na yumanig sa Batanes.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte bagama’t may sapat silang mga kagamitan para tumugon sa mga kalamidad pero nangangailangan pa rin ito ng iba pang resources na higit pang kailangan.
Paliwanag ng alkalde mahigpit ang nagsasagawa ang mga Building Officials ng inspeksyun sa Structural Integrity ng mga gusali sa QC upang malaman kung aling gusali ang dapat nang ikundena at kung ano ang nangangailangan ng retrofitting.
Giit ni Belmonte na nagdeklara na ng kahandaan ang pamahalaang Lungsod sa anumang natural na kalamidad na posibleng tumama sa Lungsod.