QC Government, muling naghigpit sa pagsusuot ng face mask at face shield sa Quezon City

Mas lalong pinahihigpitan na ng Quezon City Department of Public Order and Safety (QC DPOS) ang pagpapatupad ng “Oplan Sita” habang nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Quezon City.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ang naturang hakbang ay bilang bahagi ng mahigpit na implementasyon ng minimum health protocols at matiyak na tama at maayos ang pagsusuot ng face mask at face shield ng publiko.

Paliwanag ng alkalde, kabilang sa mga iniikutan ng mga tauhan ng DPOS kasama ang Task Force Traffic and Transport Management ang mga residential area, pangunahing lansangan at palengke.


Lahat umano ng mahuhuling lalabag sa ipinatutupad na health protocols ay pagmumultahin ng P300 sa unang paglabag, P500 sa second offense at P1,000 sa ikatlong paglabag.

Facebook Comments