QC government, nagbanta sa mga construction firm na kakasuhan kapag nakitaan ng paglabag sa COVID-19 protocols

122

Muling nanawagan ang Quezon City government sa mga pagawaan o kompanya na ipagbigay-alam ang mga posibleng may mga kaso ng COVID-19 ng kanilang mga manggagawa.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, kailangan nilang gawin ito upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa kanilang work area at kalapit komunidad.


Nagbanta si Mayor Belmonte na magsasampa ng kaso sa mga construction firm kapag nakitaan ng paglabag sa COVID-19 protocols at ang hindi makikipag-tulungan sa pamahalaang lungsod.

Nagpaalala ang alkalde kasunod ng paghahain ng kaso ni City Attorney Orlando Paolo Casimiro sa Millennium Erector Corporation na lumabag sa health protocols.

Paliwanag pa ng alkalde na 57 construction workers nito na gumagawa ng Manhattan Cubao ang nagpositibo sa COVID-19.

Kabilang na rin ang lugar na isinailallim sa special concern lockdown ng City Epidemiology and Surviellance Unit (CESU).



Facebook Comments