QC government, nagbukas ng 37,000 na online slot para sa bakunahan na magsisimula sa Sept. 23, 2021

65

Ngayong araw ay maari nang magparehistro online ang mga nais magpabakuna kontra COVID-19 sa Quezon City.

Naglaan sila ng 37,000 slots kung saan makakapili ang residente ng oras at lugar kung saan nais magpabakuna.


Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, magsisimula ang pagtanggap nila ng online booking ngayong alas-6:00 ng umaga sa pamamagitan ng QC Vax Easy Plus.

Makakatulong aniya ang ganitong sistema para makapag-adjust ang isang residente o workers kung kailan siya available magpabakuna.

Ang 37,000 slots ay nakalaan lamang sa isang araw o September 23 sa darating na Huwebes.

Nakadepende pa rin kasi sa dami ng bakuna na dumadating sa lungsod mula sa national government ang kanilang programa at schedule sa bakunahan.



Samanta, 2.9.milyong bakuna kontra sa COVID-19 ang naiturok sa QC.

Facebook Comments