QC Government, nakahanda na sa pagbubukas ng klase bukas

Nakahanda na ang Quezon City Government sa pagbubukas ng klase bukas, Agosto 29.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, mahigit sa 458,000 mag-aaral ang inaasahang papasok sa eskwela ngayong school year 2023-2024.

Paliwanag pa ng alkalde na bukod dito, pinag-aaralan na rin aniya ng lokal na pamahalaan na palawakin pa ang QC voucher system.


Sa ngayon aniya, ang mga senior high school lamang ang mayroong voucher kung saan maaring makapag-
aral sa pribadong eskwelahan.

Plano rin ni Belmonte na mabigyan na rin ng voucher ang mga mag-aaral sa elementarya.

Balak na rin ng alkalde na upahan ang mga hindi ginagamit na gusali sa pribadong eskwelahan para gawing annex ng mga pampublikong eskwelahan.

Magbibigay rin ng mga kagamitan ang QC Government sa mga guro, gayundin sa mga paaralan sa elementarya, high school at kindergarten.

Facebook Comments