QC Govt. hindi pababayaang nakatiwangwang ang Payatas dumpsite

Manila, Philippines – Nangako ang lokal na pamahalaang lungsod ng Quezon na hindi nila pababayaan ang Payatas sanitary landfill sa kabila nang napipintong pagsasara nito bago matapos ang taong kasalukuyan.

Sinabi pa ni QC Administrator Aldrin Cuña kapag naipasara na ang Payatas dumpsite mayruon silang rehabilitasyon na isasagawa dito.

Nangangamba din kasi ang mga residente sa kalapit na lugar na baka kumatas ang mga basura sa inuming tubig.


Samantala, una nang umangal ang mga residente ng lungsod Quezon dahil hindi nakolekta ang mga basura nuong isang Linggo bunsod ng panggambang magkaroon ng pagguho ng basura sa Payatas pero sa ngayon sa Rodriguez Rizal na itinatapon ang mga nakokolektang mga basura.

Sinabi pa ni Cuña na kaya isasara ang Payatas sanitary landfill ay dahil malapit nang mapuno ang dumpsite at malapit narin nitong makamit ang kanyang limit.

Facebook Comments