Quezon City – Nakatakdang bumili ang Quezon City government ng dagdag na dalawampung rescue boats para magamit sa mga bahaing barangay sa panahon na may bagyo at pagbaha.
Iniutos na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMO) na pangasiwaan ang pagbili nito.
Aniya sa bawat low-lying communities sa lungsod dapat magkaroon ng kahit isang rescue boat na nakahanda na mula sa mga barangay.
Partikular na tinukoy ang mga barangay na nakakasakop sa Araneta Avenue na lumulubog sa tubig baha kapag malakas ang pag-ulan tulad ng Barangays Doña Imelda, Tatalon, Roxas, Talayan at Barangay Damayan.
Nais ng QCDRRMO na gawa sa fiber glass ang pang ilalim ng mga rubber boats na bibilhin para matibay at magagamit ng pangmatagalan.
Bukod dito plano din ni Mayor Bautista na bumili at dagdagan pa ang rescue boats ng QCDRRMO para magamit sa kanilang rescue operations.