QC Hall of Justice, hiniling sa SC ang dalawang linggong lockdown dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa mga empleyado

Nagpa-abiso na ang mga hukom sa Quezon City Regional Trial Court sa Korte Suprema upang isailalim sa dalawang linggong lockdown ang Hall of Justice.

Sa isang liham, ipinarating ni Executive Judge Cecily Burgos-Villabert kay Court Administrator Jose Midas Marquez na dapat nang isara muna ang lahat ng korte sa lungsod dahil sa pagdami ng COVID-19 cases.

Sa loob lamang ng buwan ng Marso, umabot sa siyam na empleyado nila ang nahawaan ng virus.


Pinakamataas na ito mula nang pumasok ang COVID-19 sa bansa.

Sa kanilang mungkahi, nais nilang isara muna mula March 22 hanggang April 4 ang lahat ng korte upang bigyang daan ang disinfection.

Mananatili naman ang daily workload ng mga empleyado dahil gagawin ito sa pamamagitan ng online.

Masyado nang nababahala si Judge Villabert sa patuloy na pagtaas ng mga nahahawaan ng virus kung saan masyadong expose ang lahat ng court personnel.

Una nang inaprubahan ng Supreme Court (SC) ang 30%-50% na skeletal work sa mga korte dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga may COVID-19.

Facebook Comments