QC Hall of Justice, isinailalim sa lockdown

Simula sa araw na ito ay isinasailalim sa lockdown ang dalawang gusali ng Quezon City Hall of Justice para sa gagawing disinfection.

Kasunod ito ng sinasabing pag-positibo ng isang empleyado sa COVID-19.

Iniutos ni Judge Cecilyn Burgos-Villavert, Executive Judge ng Quezon City Regional Trial Court, na walang sinuman ang maaaring payagang makapasok sa gusali ng Hall of Justice hangga’t walang abiso ng korte.


Ang pagsasailalim sa lockdown ng mga tanggapan ng korte ay batay na rin sa Court Circular na inilabas ni Court Administrator Jose Maidas Marquez.

Itinatanggi ni Judge Villavert na empleyado ng korte ang namatay sa COVID-19 taliwas sa mga napabalita.

Mayroon aniyang namatay noong nakaraang linggo ngunit hindi ito empleyado ng korte at severe pneumonia ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Pero, para manatiling ligtas ang Hall of Justice ay kanyang ipinag-utos ang lockdown para bigyang daan ang disinfections sa mga opisina ng mga korte sa lungsod.

Facebook Comments